Ika-5 anibersaryo ng Zamboanga siege, ginugunita ngayong Sept. 9
Ginugunita ng mga residente ng Zamboanga ngayong araw (Septement 9) ang ikalimang taon ng tinaguriang Zamboanga siege.
Matatandaan na nasa dalawang daang katao ang nasawi habang libu-libong residente ang nawalan ng tahanan makaraang atakihin ng isang paksyon ng Moro National Liberation Front o MNLF ang Zamboanga City noong September 9, 2013.
September 28 nang ideklarang tapos na ang military operations sa Zamboanga City, subalit si Commander Malik na lider ng tropa ng MNLF na kumubkob sa siyudad ay nananatiling at large o malaya.
Umaasa ang mga Zamboangueño na makakamit na nila ang hustisya.
Bukod sa maraming nawalan ng mahal sa buhya, marami sa mga residente ang na-trauma at hanggang ngayon ay natatakot pa rin dahil bumabalik sa kanilang ala-ala ang sinapit nila noong kumkubin ng mga rebelde ang kanilang lugar.
Sa komemorasyon naman ng Ateneo de Zamboanga, sinabi nilang gusto nilang alalahanin ang Zamboanga siege sa positibong paraan.
Ipinagmamalaki nila kung papaano nag-move-on ang lahat ng Zamboangueños at napanatili ang ngiti sa kanilang mga labi sa kabila ng masaklap na karanasan noon.
Pero kanilang paalala lalo na sa gobyerno, tulungan ang mga residente na inilakas at hanggang sa ksalukuyan ay wala pa ring bahay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.