Death toll sa lindol sa Japan, umakyat na sa 37

By Isa Avendaño-Umali September 09, 2018 - 01:17 PM

 

Courtesy of AFP

Umakyat na sa tatlumpu’t pito (37) ang kumpirmadong nasawi sa malakas na lindol na tumama sa northern island ng Hokkaido sa Japan noong nakaraang linggo.

Ayon sa gobyerno doon, dalawang katao pa ang nawawala habang isa naman ang walang “vital signs.”

Patuloy ang isinasagawang search and rescue operations, kung saan gumagamit na ng backhoe at pinapala na ang lupa upang makita ang mga nawawalang indibidwal, lalo sa mga lugar kung saan nagkaroon ng landslides gaya sa Atsuma.

Dumalaw na si Prime Minister Shinzo Abe sa Sapporo, ang main city ng Hokkaido.

Noong nakalipas na linggo, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol ang Hokkaido, na nagdulot ng malaking pinsala sa mga imprastraktura at pagkawala ng suplay ng kuryente.

Tinatayang nasa 5.4 million ang residente sa Hokkaido.

 

TAGS: hokkaido, Japan earthquake, hokkaido, Japan earthquake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.