Filing ng COCs para sa 2019 midterm polls sa Oct. 1-5 na, ayon sa Comelec

By Isa Avendaño-Umali September 09, 2018 - 09:59 AM

 

Itinakda na ng Commission on Elections o Comelec ang pesta ng paghahain ng certificate of candidacy o COC para sa May 13, 2019 midterm polls.

Batay sa Resolution no. 10420 ng Comelec, pwede nang maghain ng COC ang mga aspiranteng kandidato simula October 1 hanggang 5, 2018, alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Sinabi ng Comelec na ang midterm elections ay botohan para sa mga posisyon sa Senado at Kamara, at mga lokal na pwesto gaya ng provincial governors at vice governors; municipal at city mayors at councilors.

Paalala ng poll body sa mga maghahain ng COC, huwag kalimutang magdala ng limang kopya ng accomplished COC at dapat ding napanumpaan ito sa isang notary public o sinumang opisyal.

Ang maaari lamang maghain ng COC ay ang mismong aspirante o ang duly authorized representative nito.

Hindi naman papayagan ng Comelec ang paghahain ng COC sa pamamagitan ng mail o sulat, email o fax.

Walang filing fee, ayon sa Comelec, pero may P30 na bayad para sa documentary stamp na kailangang isampa sa orihinal na kopya ng COC.

 

TAGS: 2019 midterm elections, comelec, 2019 midterm elections, comelec

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.