Jack Ma, magbibitiw na bilang chairman ng Alibaba

By Rhommel Balasbas September 09, 2018 - 12:14 AM

Inanunsyo ni Jack Ma, isa sa pinakamayamang tao sa China na magbibitiw na siya bilang executive chairman ng Alibaba.

Si Ma ang isa sa nagtatag ng naturang e-commere giant noong 1999 at naging susi para mapalago ito.

Ayon sa negosyante, ilalaan niya ang kanyang oras para sa pagkakawanggawa sa sa sektor ng edukasyon.

Bago pa man itatag ang Alibaba ay isa nang English teacher si Ma.

Sa isang panayam, sinabi nito na nais niyang magtayo ng isang personal foundation bilang pagsunod sa yapak ni Bill Gates ng Microsoft.

Mananatili naman itong bahagi ng board of directors ng kumpanya.

Sa kanyang ika-54 na kaarawan bukas, araw ng Lunes ay iaanunsyo ni Ma ang kanyang succession plan.

Mayroong personal wealth na aabot sa $40 billion si Ma, dahilan para itanghal siya bilang ikatlong pinakamayamang tao sa China batay sa 2017 Forbes’ China richest list.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.