Malakanyang, nagpasalamat sa taumbayan dahil sa “very good” trust rating ni Pang. Duterte
Nagpasalamat ang Malakanyang sa patuloy ng pagtitiwala ng mga Pilipino kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ng naitala nitong net trust rating na +57 na very good sa ikalawang kwarter ng 2018 batay sa survey ng Social Weather Stations o SWS.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nagpasalamat ang pangulo sa natatamasa nitong tiwala sa kanya ng mga mamamayan sa gitna ng mga kinakaharap ng problema ng bansa ngayon.
Nagpakumbaba ang Palasyo sa resulta ng bagong survey ng SWS, pero anuman ang ratings, sinabi ni Roque na naka-focus pa rin ang pangulo sa trabaho nito na pamunuan ang bansa.
Paliwanag ni Roque, marami pang dapat gawin lalo na sa pagtulong sa mga mahihirap na Pinoy.
Doble-kayod aniya ang gobyerno sa pagtulong sa mga pamilya na naapektuhan na mataas na presyo ng mga bilihin kasabay ng pagpapanatili ng stable na ekonomiya.
Ang bagong rating ni Duterte ay walong puntos na mababa sa +65 rating noong unang kwarter ng taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.