Pang. Duterte, sinagot ang paring nagdasal na magkasakit siya

By Isa Avendaño-Umali September 08, 2018 - 12:15 PM

Binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pari na nagdasal na sana’y magkasakit siya.

Matatandaan na sa isinagawang misa para kay Senador Antonio Trillanes IV sa Senado, sinabi ni Father Noel Gatchalian noong maraming kaguluhan na nangyayari at binabastos ang relihiyon pati ang Diyos ay pinagdasal niyang magkasakit si Digong.

Sa Q&A sa kanyang pagdating sa Davao City mula sa state visit sa Israel at Jordan, ang mensahe ni Duterte sa naturang pari ay “wag kang mag-alala father, mamatay man ako mamaya o bukas, walang akong pakialam.”

Muli ring binanatan ni Duterte ang simbahang Katolika at mga pari.

Ayon sa pangulo, may mga orphanage ang simbahan kung saan inilalagay umano ang mga batang anak ng mga pari.

Ani pa ni Duterte, ang pinaka hypocritical institution ngayon ay ang mga pari, bukod pa sa maraming kaso raw ng pang-aabuso ang kinakaharap ng simbahan.

 

TAGS: Father Noel Gatchalian, Rodrigo Duterte, Father Noel Gatchalian, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.