Utos na pag-aresto kay Trillanes kapareho ng pag-aersto kay De Lima – Hilbay
Ang utos na pag-aresto kay Sen. Antonio Trillanes IV ay kapareho umano ng pag-aresto kay Sen. Leila De Lima noong 2017.
Sa ambush interview sa labas ng tanggapan ni Trillanes sa Senado, sinabi ni dating Solicitor General Florin Hilbay na ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestusin ang Senador ay nagbabalik ng alaala noong inaresto ang kaalyado nitong Senadora na kanyang kliyente.
Ayon kay Hilbay, gaya ni De lima ay hinahanapan ng rason si Trillanes para makulong.
Paliwanag ng dating SolGen, kaduda duda na ginagawa lahat ng gobyerno ang paraan para makahanap ng dahilan na malagay sa detention center si Trillanes.
Naniniwala ito na isa itong political witch-hunt para may justification na walang halong pulitika ang isyu at mapatahimik ang Senador sa pamamagitan ng pagpapakulong dito.
Dagdag ni Hilbay, nais ng mga otoridad na maaresto ang Senador sa isang non-bailable case.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.