Petisyon ni dismissed Mayor Binay, ibinasura ng Court of Appeals

By Len Montaño October 30, 2015 - 07:46 PM

mayor junjun binay
picture from Inquirer

Ibinasura ng Court of Appeals ang petisyon ni dismissed Makati Mayor Junjun Binay na kumuwestiyon sa ikalawa nitong suspensyon ng Ombudsman dahil sa umanoy maanomalyang Makati a science High School.

Nakasaad sa resolusyon ng CA na ang petisyon ni Binay laban sa Ombudsman at Department of Interior and Local Givernment ay moot o balewala na dahil sa pagsibak sa kanya sa serbisyo kaugnay naman ng Makati carpack building.

Pinagbatayan ng CA ang pahayag sa media ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na sinibak nito sa serbisyo si Mayor Binay.

Sa opinyon ng appellate court, balewala na kung paburan pa nila ang pagkwestyon ni Binay sa kanyang suspensyon.

“Petitioner, having been dismissed from his post as makati mayor, will not be able to take it back regardless of how we resolve the validity of his preventve suspension in the present case,” nakasaad sa CA resolution.

Iginiit ng CA na kahit hindi prescribed ang ikalawang suspensyon ng nakababatang Binay, maituturing na overtaken o superseded na ito ng dismissal order ni Morales.

Bukod sa pagsibak sa serbisyo ay inutos din ng Ombudsman ang diskwalipikasyon ni Binay sa public office.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.