Publiko binalaan ng BSP sa “Phishing Scam”

By Dona Dominguez-Cargullo September 07, 2018 - 08:31 PM

Nagbabala ang Bangko Sentral ng Pilipinas o BSP sa publiko kaugnay sa “phising scam”.

Sa nasabing scam, modus ng mga suspek ang tumawag sa kanilang target at magpakilalang mula sa gobyerno at pagkatapos ay kukunin ang mga sensitibo at personal na impormasyon ng biktima.

Ayon sa BSP, kung makatatanggap sila ng tawag mula sa sinomang magpapakilalang taga-BSP ay maaring bogus o peke ito.

Hindi aniya kailanman tatawag ang BSP sa publiko para humingi ng personal na impormasyon, credit card information, o online account details.

Sakaling makatanggap ng ganitong tawag, hinikayat ng BSP ang publiko na agad makipag-ugnayan sa mga otoridad para ma-track ang pinagmumulan nito.

Maari ding makipag-ugnayan sa Financial Consumer Protection Department ng BSP sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa [email protected] o tumawag sa 708-7087 o 708-7701 local 2584.

TAGS: Bangko Sentral ng Pilipinas, BSP, Phishing scam, Bangko Sentral ng Pilipinas, BSP, Phishing scam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.