LTFRB, patuloy pa ring kokontrahin ang pagbabalik-operasyon ng Angkas
Pinaplansta na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang posibleng legal na aksyon na kanilang gagawin laban sa pagbabalik-operasyon ng motor ride-hailing service na Angkas.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, nakipag-usap na sila sa Office of the Solicitor General kung paano kokontrahin ang Angkas.
Muling iginiit ni Delgra na hindi ligtas na public transport ang mga motorsiklo, bukod pa sa kolorum ang mga motorcycle partners ng Angkas.
Sinabi ni Delgra na kung 4-wheel sila ay walang magiging problema, at mas isinasa-alang-alang ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga pasahero.
Nauna nang pinagbigyan ng Mandaluyong Regional Trial Court ang preliminary injunction ng Angkas, na pansamantalang pumapayag na sila’y makapagpatuloy ng operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.