Paolo Duterte nagsampa ng libel case vs. Sen. Trillanes
Nagsampa ng reklamong libelo si dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte laban kay Sen. Antonio Trillanes IV kaugnay sa akusasyon ng senador na kinikilan umano ni Paolo ang ride-sharing company na Uber.
Sa pitong pahinang reklamo, sinabi ni Paolo na nakagawa si Trillanes ng “defamatory publication” nang ihayag ang akusasyon.
Noong September 8, 2017 sa isang radio interview sa radio station sa Cebu binanggit ni Trillanes na kinikilan ni Paolo ng pera ang ride-sharing firm na Uber at iba pang kumpanya na sakop ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Road Board at ng Department of Public Works and Highways.
Iginiit ng nakababatang Duterte na may malisya ang ginawa ni Trillanes at babagsak ito sa kasong libelo.
Isinampa ang reklamo sa Office of the City Prosecutor sa Davao City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.