P48/kl na commercial rice mabibili na sa Zamboanga ayon sa NFA
Bumaba na ang halaga ng commercial rice sa Zamboanga City matapos taasan ng National Food Authority (NFA) ang suplay ng murang bigas sa mga palengke doon sa 4,000 sako kada araw mula sa dating 2,000 sako araw.
Sa isinagawang monitoring ng NFA, may available nang commercial rice sa lungsod na P48 per kilo ang halaga.
Ayon kay NFA administrator Jason Aquino, para masigurong mananatili ang mababang halaga ng commercial rice ay magtutuloy-tuloy din ang NFA sa pagbabagsak ng murang bigas sa
Zamboanga City.
Gagawin din aniya ito ng NFA sa iba pang bahagi ng bansa lalo na sa mga island provinces at calamity-prone areas.
Magugunitang umabot sa P70 hanggang P72 kada kilo ang halaga ng commercial rice sa Zamboanga City.
Dahil dito, nagdeklara si Zamboanga City Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar ng state of calamity sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.