Warrantless arrest vs Trillanes hindi opsyon ni Pangulong Duterte

By Dona Dominguez-Cargullo September 07, 2018 - 02:44 PM

Nagpasya umano si Pangulong Rodrigo Duterte na hintayin ang warrant of arrest na ipalalabas ng korte laban kay Senator Antonio Trillanes IV sa halip na mag-utos ng military arrest sa senador.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque sa pulong balitaan sa Amman, Jordan.

Ayon kay Roque, kinausap kahapon ni Pangulong Duterte ang mga kasama niyang miyembro ng gabinete para talakayin ang usapin kay Trillanes at matapos ang mahabang diskusyon, nagpasya ang pangulo na hintayin ang arrest warrant bilang pagtalima sa itinatakda ng batas.

Hihintayin aniya ng pangulo ang magiging pasya ng mababang korte.

Kabilang sa mga kinausap ng pangulo, Huwebes ng gabi, ay sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr, at Executive Secretary Salvador Medialdea, gayundin ang iba pang opisyal na kasama sa foreign trip.

TAGS: antonio trillanes, Harry Roque, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, antonio trillanes, Harry Roque, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.