Trillanes: Walang mangyayaring pag-aresto sa Senate premises

By Justinne Punsalang September 07, 2018 - 09:24 AM

INQUIRER.net photo / Cathrine Gonzales

Nagpasalamat si Senador Antonio Trillanes IV sa suportang ibinibigay sa kanya ng kanyang kapwa senador, mapa-oposisyon man o hindi, patungkol sa kanyang pananatili sa loob ng Senate premises.

Aniya, napagkasunduan nilang mga senador na hindi sapat na batayan ang Proclamation 572 upang siya ay hulihin ng mga sundalo.

Dagdag pa nito, naniniwala siyang mataas ang kalidad ng professionalism sa loob ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Department of National Defense (DND) at maninindigan ang mga ito sa unconstitutionality ng pagpapaaresto sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit ni Trillanes, 2007 pa lamang ay na-clear na siya sa loob ng AFP at simula noon ay isa na siyang sibilyan. Kaya naman sa tingin niya, kaya pinamamadali ang pagpapaaresto sa kanya ay upang maging isang “regalo” kay Pangulong Duterte sa kanyang pagbalik sa bansa.

Maging si Magdalo Representative Gary Alejano ay umaasa na hindi dadakipin ang senador habang nasa loob ng Senate premises.

Ngunit bilang isang dating sundalo, naiintindihan niya na paminsan ay walang magagawa ang AFP kundi sundin ang kanilang commander in chief na si Pangulong Duterte.

Aniya, ang magiging consequence lamang nito ay ang pagkasira ng institusyon.

Paliwanag nito, malinaw kasi na pulitika ang motibo sa pagpapaaresto kay Trillanes na unconstitutional na gawin para sa mga sundalo.

Hiling ng mambabatas sa pangulo, kung ang laban ay sa pulitika, dapat ay maglaban sila ng patas.

TAGS: AFP, antonio trillanes, Radyo Inquirer, Senate, AFP, antonio trillanes, Radyo Inquirer, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.