Pangulong Duterte, nakapulong si King Abdullah II ng Jordan

By Rhommel Balasbas September 07, 2018 - 04:13 AM

Courtesy of Malacañang

Nakapulong ni Pangulong Rodrigo Duterte si King Abdullah II ng Jordan sa Al Husseinieh Palace kahapon.

Ito ay bilang bahagi pa rin ng official visit ng presidente sa naturang bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, ang pagbisita ng pangulo sa lider ay upang mapalawig pa ang ugnayan ng Pilipinas at Jordan na nagsimula noong 1957.

Sa bilateral meeting pinag-usapan ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mahahalagang isyu para sa pagtataguyod ng pag-unlad at kapayapaan.

Sinaksihan nina King Abdullah at Duterte ang paglagda sa limang kasunduan partikular sa foreign affairs, kalakalan, trabaho at defense.

Matapos ang pulong sa hari ng Jordan ay pinangunahan ng presidente ang isang business forum sa Intercontinental Hotel.

TAGS: King Abdullah II, Rodrigo Duterte, King Abdullah II, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.