Proclamation 572 ni Pangulong Duterte, pinababawi ng mga taga oposisyon sa Kamara
Hiniling nga ilang mga kongresita mula sa oposisyon na bawiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation 572 na
nagpapa-revoke sa amnestiyang iginawad kay Senator Antonio Trillanes IV.
Sa House Resolution 2155 na inihain sa pangunguna ni Albay Rep. Edcel Lagman, kinundena ng mga ito ang walang
basehang revocation ng pangulo sa amnesty ng senador.
Nakasaad sa resolusyon na unwarranted at unlawful ang revocation sa amnesty dahil kapag naibigay na ang amnestiya,
ito ay final, absolute at irrevocable.
Paliwanag ng mga ito dapat dumaan sa proseso sa Kamara at Senado ang pagbawi ng amnesty kung ito ay
pinapahintulutan gaya noong iginawad sa senador.
Hindi rin anila kasalanan ni Trillanes kung nawala ang kopya ng application for amnesty dahil malinaw naman ang mga
larawan at video footages na inilabas ng kampo ng senador na ito ay kumpleto sa requirements.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.