VP Robredo: Panggigipit ni Pangulong Duterte kay Sen. Trillanes, lalong pagkakaisahin ang oposisyon
Naniniwala si Vice President Leni Robredo na lalong magkakaisa ang oposisyon laban sa administrasyon Duterte.
Sinabi ito ni Robredo nang dumalaw ito kay Sen. Antonio Trillanes sa Senado para ipakita ang suporta nito laban sa
pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa amnestiya nito.
Una nang sinabi ni Robredo na hindi tama ang paggamit ni Duterte sa kapangyarihan ng pamahalaan para gipitin ang
mga nagbibigay lamang ng saloobin laban sa mga gobyerno.
Hindi naman sinagot ni Robredo ang tanong sa kanya kung mayroong bang binabalak ang oposisyon para sa
protektahan si Trillanes.
Payo ni Robredo kay duterte, sa halip na gamitin ang kapangyarihan nito para patahimikin ang mga kritiko ang dapat na
gawin nito ay pagkaisahin ang lahat lalot ngayon na may pinagdadaanang krisis ang bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.