Pagpasaklolo ni Sen. Trillanes sa SC, mali ayon sa Malakanyang

By Chona Yu September 07, 2018 - 01:05 AM

Mali ang ginawang hakbang ni Sen. Antonio Trillanes IV na dumulog sa Korte Supreme para humirit ng Temporary
Restraining Order at Preliminary Injunction kaugnay sa pagpapawalang bisa sa kanyang amnestiya.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, factual ang usapan sa kataas taasang hukuman.

Una aniyang bubusisiin ng mga mahistrado kung mayroong aplikasyon at kung inamin ni Trillanes ang krimen nang
magkudeta sa gobyerno noong 2003 at 2007.

Payo pa ni Roque kay Trillanes, sa regional trial court muna dumulog para maitama ang kanyang mga ginagawa.

Malinaw naman kasi aniya na walang aplikasyon at walang ginawang pag-amin si Trillanes sa kanyang mga krimen.

TAGS: Antonio Trillanes IV, Malakanyang, Supreme Court, Antonio Trillanes IV, Malakanyang, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.