Dating abogado ng Magdalo na si QC Rep. Belmonte, nababahala sa pagbawi sa amnesty ni Sen. Trillanes
Naniniwala si Quezon City Rep. Kit Belmonte na sadyang pinupuntirya ng administrasyong Duterte si Senator Antonio
Trillanes.
Ayoy kay Belmonte, dating abogado ng grupong Magdalo at grantee rin ng amnesty na nakababahala ang ginawang
pagpapawalang saysay ng pangulo sa amnestiyang naibigay na kay Trillanes.
Sa kanyang previlege speech sa Kamara, binigyan diin ni Belmonte na magbubukas ng floodgates ng kahihiyan sa iba
pang grantees ng amnesty ang ginawang pagabawi ni Duterte sa amnestiya ni Trillanes.
Hindi lamang aniya ito magiging limitado sa binigyan ng amnesty ng Aquino administration, kundi maging ang mga
nauna pa rito.
Kinuwestiyon din Belmonte kung bakit walang review na isinagawa sa iba pang grantees ng amnesty lalo na ang mga
tumanggi sa amnesty pero nagbenepisyo sa dismissal ng mga kaso noon kabilang na raw si dating Major Jason Aquino,
na kasalukuyang National Food Authority Administrator, dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon at MMDA
Chairman Danny Lim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.