Single-use plastic ban sa Boracay, aprub sa DENR
Suportado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ordinansa na magbabawal na sa paggamit
ng mga plastik sa isla ng Boracay.
Ito’y para sa inaaasahang muling pagbubukas ng Boracay sa Oktubre.
Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, malaki ang maitutulong ng single-use plastic ban sa Boracay
sa kampanya ng pamahalaan laban sa plastic pollution.
Tiniyak ni Antiporda na handa ang gobyerno na tumulong sa mga Malay sa oras na ipatupad na ang ban at iba pang
programa para sa solid waste management.
Batay sa Municipal Ordinance no. 386 series of 2018, bawal ang ang paggamit ng single-use o disposable plastic items.
Sakop dito ang mga restautant, hotels at resorts, at iba pang establisimyento o negosyo.
Ang mga lalabag ay may multang P2,000 sa unang offense habang P2,500 sa ikalawang offense at kanselasyon na ng
business permit kapag nakatatlong beses na paglabag.
Hinihimok naman ni Antiporda ang mga business operators maging ang mga turista na gumamit ng “eco-friendly” na
mga alternatibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.