PNP-CIDG hindi pa aalis sa paligid ng Senado

By Isa Avendaño-Umali September 06, 2018 - 04:38 PM

Inquirer photo

Mananatili pa rin ang mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group o PNP-CIDG sa compound ng Senado sa Pasay City.

Ito’y taliwas sa mga ulat na pinaalis na ang mga ito sa lugar.

Ayon kay PNP-CIDG Director Roel Obusan, magbibigay pa rin ng assistance ang kanilang mga tropa sa mga sundalo na nasa Senate compound.

Kung i-utos ng korte na sila ang magsilbi ng warrant of arrest kay Senador Antonio Trillanes IV, tatalima umano sila rito.

Nauna rito, binatikos ang presensya ng PNP-CIDG sa bisinidad ng mataas na kapulungan gayung wala pa namang warrant of arrest na inilalabas ang korte laban kay Trillanes na binawian ng amnestiya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

TAGS: amnesty, CIDG, obusan, PNP, trillanes, amnesty, CIDG, obusan, PNP, trillanes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.