Gusot sa loob ng NFA ugat ng pagtaas sa presyo ng bigas
Hinikayat ni House Committee on Appropriations Chair Karlo Nograles ang National Food Authority at NFA Council na isantabi ang alitan at tugunan ang kakulangan sa bigas.
Ayon kay Nograles, sa harap ng panibagong pagtaas ng inflation sa 6.4% ngayong Agosto, dapat tapusin na nina NFA Administrator Jason Aquino at ng NFA council ang bangayan at sama-samang mgtrabaho at tumugon sa kakulangan sa suplay ng bigas na isa sa pangunahing dahilan ng pagsirit ng presyo sa bansa.
Inamin ng pangasiwaan ng NFA sa pagdinig ng Kamara na nabigo ang mga itong abutin ang palay procurement targets dahil ang presyong P17 na buying price ng palay ay mas mababa sa presyong inaalok sa mga magsasaka ng mga lokal na mangangalakal.
Nabatid na mula pa noong nakaraang taon, hiniling na ng pangasiwaan ng NFA sa NFA Council na taasan ang buying price ng palay, ngunit hindi ito natugunan kahit na buwanang nagpupulong ang NFA Council.
Ang nakikita ng mambabatas na dahilan ng pagsirit sa presyo ng bigas ay ang hindi pagkakasundo ng mga ito kaya nabigo sa kanilang mandato sa pagmantine ng 30-day buffer stock ng bigas at mamahagi ng murang NFA rice sa mga pamilihan.
Pinagsabihan naman ni Nograles ang NFA Council na agarang kumilos at tugunan ang rekomendasyon ng pangasiwaan ng NFA na itaas ang buying price ng palay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.