Bintang na revolutionary government ni Sen. Trillanes, malabo ayon sa Malakanyang

By Chona Yu September 06, 2018 - 12:52 PM

Pumalag ang Malakanyang sa birada ni Senador Antonio Trillanes IV na patungo na sa revolutionary government ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang Rev-Gov ay para lamang sa mga lider na walang mandatong konstitusyonal.

Sa kaso aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte, malinaw na may mandato ito na pamunuan ang bansa matapos iboto ng labing anim na milyong Filipino.

Una rito, sinabi ni Trillanes na kapag nagdeklara ang pangulo ng revolutionary government, susunod na ang diktaturyang pamamalakad sa Pilipinas.

Ginawa ni Trillanes ang pahayag matapos ipawalang bisa ng pangulo ang amnesty na iginawad ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa senador dahil sa kudeta noong 2003 at 2007.

TAGS: Harry Roque, Palace, Radyo Inquirer, Harry Roque, Palace, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.