LOOK: Mga tagasuporta ni Trillanes nagtipon sa Korte Suprema
Nagtipun-tipon sa Korte Suprema ang mga tagasuporta ni Senator Antonio Trillanes IV.
Ito ay para suportahan ang paghahain ng petisyon ng kampo ng senador para kwestyunin ang pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa amnestiya ng senador.
Tinatayang 50 mga tagasuporta ng senador ang nagsagawa ng pagkilos sa Padre Faura sa Maynila.
Ilan sa kanila ay nagpakilalang miyembro ng Tindig Pilipinas.
Bitbit nila ang mga papel na may nakasulat na “Bubok na Gobyerno ni Duterte” at “Duterte Duwag”.
Temporary Restraining Order o TRO ang hirit ng kampo ni Trillanes sa Korte Suprema para mapigilan ang proklamasyon ni Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.