Klase sa ilang gusali sa FEU suspendido dahil sa sunog na naganap sa kalapit na establisyimento

By Dona Dominguez-Cargullo September 06, 2018 - 09:32 AM

Sinuspinde ng Far Eastern University sa Maynila ang klase ngayong araw sa ilan nilang gusali.

Ito ay dahil sa sunog na naganap kagabi (sept. 5) na tumagal hanggang kaninang (Sept. 6) madaling araw sa isang kalapit nilang commercial building.

Sa abiso ng FEU, walang pasok hanggang alas 12:00 ng tanghali ang lahat ng mag-aaral sa NB area at whole day naman ang suspensyon sa ABFB area.

Kailangan kasing inspeksyunin ang dalawang gusali sa posibleng pinsala dulot ng naganap na sunog.

Ang nasunog ay ang Orient Pearl Arcade Building sa Recto Avenue kanto ng Nicanor Reyes Street.

Umabot sa ikatlong alarma ang nasabing sunog.

TAGS: FEU, fire incident, Radyo Inquirer, walang pasok, FEU, fire incident, Radyo Inquirer, walang pasok

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.