Inflation bababa sa 6.1% sa pagtatapos ng taon – Rep. Salceda
Iginiit ni Albay Rep. Joey Salceda na bababa sa 6.1% ang inflation rate ng bansa ngayong buwan ng Setyembre.
Ayon kay Salceda, ang pagbaba ng inflation hanggang 6.1% ay mananatili naman hanggang sa katapusan ng taon.
Paliwanag ng mambabatas, kung magiging agresibo ang hakbang ng gobyerno maaring magkaroon ng malaking pagbaba sa inflation sa susunod na taon.
Dapat anyang makinig sa mungkahi nila ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang Duterte administration na bawasan ang taripa sa pag angkat ng isda at karne para mabilis ang pagbaba ng inflation.
Nauna rito sinabi ni Speaker GMA na pumalo sa 6.6% ang inflation rate ng bansa noong March 2009 habang siya ay presidente at nagawa nila itong pababain sa loob lamang ng tatlong buwan dahil sa malawakang importasyon ng bigas at pamimili ng aning palay ng mga magsasaka.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.