Pagbasura ng Makati RTC sa kasong kudeta ni Trillanes walang bisa – DOJ
Mananatili umanong walang-bisa ang amnestiya na ipinagkaloob kay Senator Antonio Trillanes IV ni dating pangulong Noynoy Aquino.
Ito ang pahayag ni Acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon sa kabila ng pagbasura ng Makati Regional Trial Court sa kasong kudeta ni Trillanes.
Ayon kay Fadullon, dapat suportado ang dismissal sa kasong kudeta ni Trillanes ng kanyang aplikasyon para sa amnestiya, pero dahil idineklara na itong void ab initio o walang bisa ay hindi ito napagtibay.
Dahil dito ay balik umano sa naunang estado ang kaso ni Trillanes kung saan ito ay kailangang muling desisyunan.
Pansamantala sinabi ni Fadullon na dapat na munang arestuhin ang senador bilang pagtalima sa Proclamation 572 at para maiwasan ang kalituhan sa usapin kapag siya’y dadakpin na ng mga otoridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.