LOOK: Lahat ng biyahe ng PAL patungo at galing Osaka kanselado hanggang Sept. 12
Mananatiling kanselado ang lahat ng biyahe ng Philippine Airlines mula at patungo sa Osaka sa Japan hanggang sa September 12, 2018.
Ito ay dahil sa umiiral na closure sa Kansai International Airport na labis na naapektuhan ng Typhoon Jebi.
Ang naturang kalamidad sa Japan ay nagdulot ng ng kanselasyon sa aabot sa 55 flights ng PAL mula at patungong Osaka.
Narito ang listahan ng mga flights ng PAL na kanselado hanggang Sept. 12:
• PR408 Manila to Osaka (Kansai)
• PR407 Osaka (Kansai) to Manila
• PR410 Cebu to Osaka (Kansai)
• PR409 Osaka (Kansai) to Cebu
• PR896 Taipei to Osaka (Kansai)
• PR897 Osaka (Kansai) to Taipei
Ang mga pasahero na pauwi ng Pilipinas galing sa Kansai Airport ay maaring mag-reroute sa ibang flights ng PAL mula Nagoya, Tokyo Haneda at Tokyo Narita.
Kailangan lamang nila bumiyahe by land mula sa Kansai patungong Nagoya, Haneda o Narita airport.
Ang mga pasahero naman ng PAL na patungo sa Osaka ay pinapayuhan din na mag-reroute na lamang sa ibang paliparan ng Japan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.