Inflation tinitignan na ng pamahalaan ayon sa Malacañan

By Chona Yu September 06, 2018 - 01:05 AM

Tinutugunan na ng pamahalaan ang inflation o ang patuloy na pagtaas ng presyo ng nga pangunahing bilihin sa bansa.

Pahayag ito ng Palasyo matapos pumalo sa 6.4% ang inflation sa buwan ng Agosto na pinakamabilis na inflation sa nakalipas na siyam na taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, patuloy na minomonitor ng economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inflation.

Katunayan, sinabi ni Roque na naglatag na ang pamahalaan ng pinansyal na ayuda para makaagapay ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

“The Administration is taking steps to address the challenges, particularly rising prices, faced by Filipino families. The President’s economic team continues to monitor inflation with vigilance as government takes action to assist the poor while keeping the macroeconomy stable,” ayon sa tagapagsalita ng pangulo.

Ilan sa mga ayuda na iniugay ng pamahalaan ang dagdag na P200 para sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) pati na ang P5,000 ayuda na Pantawid Pasada Progrmam para sa mga jeepney driver at operator sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.