Hokkaido, Japan niyanig ng M6.6 na lindol
Bukod sa paghagupit ng Typhoon Jebi sa ilang bahagi ng Japan ay isang magnitude 6.6 na lindol ang tumama sa Hokkaido alas-2:07 ng madaling araw sa Pilipinas.
Ang episentro ng lindol ay naitala sa layong 62 kilometro Timog-Silangan ng Sapporo.
Isang magnitude 5.3 na aftershock ang naganap ilang sandali lamang ang nakalilipas.
Ayon sa Japan Meteorological Agency, magkakaroon ng katamtamang pagbabago sa sea level sa ilang coastal areas bunsod ng pagyanig ngunit hindi inaasahan ang pinsala sa ari-arian.
Batay din sa mga paunang ulat ng local media, wala pang mga naitatalang pinsala ngunit ilan sa mga kabahayan ang nawalan ng kuryente.
Nagsilabasan din sa kanilang mga bahay ang ilang residente.
Samantala, sa inilabas na advisory ng Phivolcs, hindi posible ang banta ng tsunami kasunod ng pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.