Makati RTC hindi agad naglabas ng arrest warrant vs Trillanes
Hindi pa nagpalabas ng warrant of arrest ang Makati City Regional Trial Court (RTC) laban kay Senator Antonio Trillanes IV.
Sa kautusan na inilabas ni Judge Andres Bartolome Soriano ng Branch 148, sa halip na agad mag-isyu ng arrest warrant ay nagtakda ito ng pagdinig sa mosyon ng Department of Justice.
Sa nasabing mosyon ng DOJ na inihain kahapon, hiniling nito sa korte na agad magpalabas ng warrant of arrest laban sa senador.
Binigyan ng korte si Trillanes ng limang araw para maghain ng kaniyang komento at sagutin ang mosyon ng DOJ.
Habang ang pagdinig ay itinakda ng korte sa September 13, 2018 alas 9:00 ng umaga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.