9 patay sa pananalasa ng Typhoon Jebi sa Japan
Umakyat na sa siyam ang naitatalang patay habang higit 300 ang sugatan sa pananalasa ng Typhoon Jebi sa Japan.
Ayon sa ulat ng NHK Japan, isa sa mga nasawi ay isang 71-anyos na matandang lalaki sa western Shiga prefecture.
Na-trap umano ang lalaki sa isang warehouse na nagiba matapos ang pagbayo ng malalakas na hangin.
Ang ulat ng mga nasawi ay lumabas matapos ipag-utos ng Japanese government ang paglikas ng mahigit isang milyong katao matapos mag-landfall sa Shikoku ang bagyo.
Umabot sa 208 kilometro kada oras ang naitalang bugso ng hangin sa Shikoku.
Nasa 177,000 katao na rin ang nawalan ng kuryente sa western Japan ayon sa Ministry of Economy, Trade and Industry.
Samantala, ayon pa sa NHK, nalubog dahil sa storm surge ang runways ng Kansai International Airport sa Osaka.
Dahil dito, kinansela ang daan-daang flights at tinatayang nasa 3,000 pasahero ang stranded.
Ang Typhoon Jebi ang itinuturing na pinakamalakas na bagyong tumama sa Japan matapos ang 25 taon ayon sa Kyodo News.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.