Calida nasa likod ng pagpapahanap sa amnesty papers ni Trillanes ayon sa isang military official

By Rhommel Balasbas September 05, 2018 - 01:05 AM

Lumalabas na si Solicitor General Jose Calida ang utak sa pagpapahanap sa amnesty papers ni Sen. Antonio Trillanes.

Matatandaang isa sa mga pinagbatayan kaya’t ipinag-utos ang pagpapawalang bisa sa amnestiya ng senador ay dahil wala umanong kopya ng kanyang ‘application for amnesty’.

Nang tanungin ng isang reporter si Armed Forces of the Philippines Col. Edgard Arevalo, sinabi nito na si SolGen Calida ang nanghingi ng kumpirmasyon tungkol sa nawawalang amnesty papers ni Trillanes.

Sa ngayon ay nananatiling tikom ang bibig ni Calida tungkol sa sinasabing partisipasyon niya sa pagpapawalang-bisa sa amnestiya ng senador.

Sinabi naman ni Department of National Defense spokesman Arsenio Andolong na wala silang impormasyon kung kailan at ano ang dahilan sa paghahain ni Calida ng inquiry tungkol sa amnesty papers.

Nauna nang sinabi ni Trillanes na naniniwala siyang sina Calida at Pangulong Rodrigo Duterte ang nasa likod ng revocation ng kanyang amnesty.

Ang balitang pagpapawalang-saysay sa amnestiya ni Trillanes ay pumutok bago ang pagdinig Senate committee on civil service na pinamumunuan ni Trillanes sa multi-milyong pisong kontrata ng security agency ni Calida sa gobyerno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.