Mabilis na tulong, hiniling para sa mga residente ng Aurora

By Kathleen Betina Aenlle October 30, 2015 - 04:26 AM

 

Casiguran Aurora Team 48 Response (3)
File photo Team 48 Response

Nanawagan si Aurora Gov. Gerardo Noveras sa pamahalaan ng mas mabilis na pag-responde sa mga pangangailangan ng mga biktima ng bagyong Lando sa kanilang probinsya upang agad na makabawi sa epekto ng kalamidad.

Ani Noveras, sana ay mapabilis ng gobyerno ang pagpapadala ng tulong dahil bagaman sinasabing matibay ang mga taga-Aurora, aanhin pa aniya ang damo kung patay na ang kabayo.

Sinabi ni Noveras na wala pa ring emergency shelters, cash-for-work, at production support para sa mga magsasaka at mangingisda na dumarating sa kanila.

Ayon sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council, nang mag-landfall ang bagyong Lando sa bayan ng Casiguran sa Aurora, nag-sanhi ito ng pagkakasalanta ng 123 na mga barangay sa mga bayan ng Casiguran, Dilasag, Dinalungan, Dipaculao, Ma. Aurora, San Luis, Dingalan at sa kabisera nito na capital Baler.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.