Trillanes handang magpaaresto

By Dona Dominguez-Cargullo, Jan Escosio September 04, 2018 - 11:33 AM

Tinawag na kalokohan ni Senator Antonio Trillanes IV ang ginawang pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa amenstiya na ibinigay sa kaniya noon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ayon kay Trillanes, hindi na niya ikinagulat ang balita dahil nalaman niya na noon pang nakaraang taon inumpisahan ng Office of the Solicitor General ang pagbusisi sa ibinigay na amnesty sa kaniya.

Dagdag pa ni Trillanes halata namang bahagi ito ng panggigipit sa kaniya ng administrasyong Duterte para siya ay mapatahimik.

Sa kabila nito, nanindigan si Trillanes na hindi siya matatakot at sa halip ay lalo pa siyang manggigigil at mag-iingay.

Ani Trillanes, nagsumite siya ng aplikasyon para sa amnestiya at nagkaroon din siya noon ng admission of guilt.

Handa naman umano siyang magpa-aresto at magpakulong pero gagawin ng kaniyang kampo ang lahat ng legal na hakbang na nararapat.

Kukunsultahin din niya ang pamunuan ng senado hinggil sa naging kautusan ng Malakanyang.

TAGS: amnesty, Antonio Trillanes IV, Radyo Inquirer, amnesty, Antonio Trillanes IV, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.