Antipolo Hall of Justice binulabog ng bomb threat

By Angellic Jordan September 04, 2018 - 11:26 AM

Nakatanggap ang Antipolo Hall of Justice ng bomb threat, Martes ng umaga.

Ayon kay Antipolo Chief of Police Supt. Villaflor Banawagan, nagsimula silang makatanggap ng bomb threat matapos ang nangyaring pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Antipolo City police, nakatanggap ng text sina Judge Jennifer De Lumen at Judge Leili Suarez ng Branch 73 at 74 gayundin si Prosecutor Mario De Luna na nagsasaad na may ipapasok na bomba sa lugar.

Nakasaad sa text ang babala na may binabalak ang masasamang element at magpapasok o maaring naipasok na ang bomba sa Hall of Justice.

Agad namang ginalugad ng mga miyembro ng SWAT team ng Antipolo sa nasabing lugar.

TAGS: antipolo hall of justice, Bomb threat, Radyo Inquirer, antipolo hall of justice, Bomb threat, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.