Pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo masusundan pa

By Dona Dominguez-Cargullo September 04, 2018 - 09:57 AM

Matapos ang big-time oil price hike ng mga kumpanya ng langis ngayong araw masusundan pa ang dagdag presyo sa produktong petrolyo.

Ayon kay Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad ito ay dahil sa nararanasang political crisis sa mga bansa na pangunahing oil producers gaya ng Iran, Venezuela, at Libya.

Binanggit ni Abad ang napipintong pagpapatupad ng sanction ng Estados Unidos sa oil industry ng Iran, ang pagbagsak ng produksyon ng langis sa Venezuela at kaguluhan sa Libya bilang mga pangunahing dahilan ng paggalaw ng presyo ng langis.

Dagdag pa ng opisyal, tumaas ang presyo ng produktong petrolyo kahit nangako ang Organization of the Petroleum Exporting Countries o OPEC na daragdagan ang crude oil output ng dalawang milyong barrels noong Hunyo.

Ani Abad, ang natupad lang kasi na dagdag ng Saudi Arabia ay 500,000 na barrels kada araw.

TAGS: DOE, oil price hike, DOE, oil price hike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.