BRP Gregorio del Pilar na sumadsad sa Hasa-Hasa Shoal, nahatak na
Nahatak na ang sumadsad na barko ng Philippine Navy na BRP Gregorio del Pilar sa Hasa-Hasa Shoal.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines spokesperson Colonel Edgard Arevalo, dalawang commercial tugboats ang ginamit para mahatak ang barko.
Ang BRP Gregorio del Pilar ay sumadsad sa Hasa-hasa Shoal sa West Philippine Sea, na nasa 60 nautical miles ang layo mula sa Rizal, Palawan noong gabi ng Miyerkules.
Sinabi ni Arevalo na nagsasagawa ng routine patrol mission ang barko nang mangyari ang insidente.
Wala namang napaulat na nasaktan sa pagsadsad.
Maingat din aniya ang ginawang paghila sa barko para masigurong walang masisirang coral reefs sa lugar.
Dadalhin sa Subic, Zambales ang BRP Gregorio del Pilar para maayos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.