UAE inanunsiyo ang unang mga astronauts nito na magtutungo sa space

By Rod Lagusad September 04, 2018 - 06:39 AM

Twitter Photo

Inanunsiyo ng UAE ang kanilang unang dalawang napiling mga astronauts na magtutungo sa International Space Station.

Ang napiling dalawa ay sina Hazza al-Mansouri, 34 taong gulang at Sultan al-Neyadi, 37 taong gulang.

Ang dalawa ay napili mula sa mahigit 4,000 mga Emiratis na nag-apply sa programa matapos ang anim na stage na vetting procedure.

Noong nakaraang taon ay ipinangako ni Sheikh Mohammed bin Rashed al-Maktoum, ang vice president at prime minister ng UAE na magpapadala sila ng apat na Emirati astronauts sa space station sa loob ng limang taon.

Inanunsiyo na rin ng UAE ang plano nitong unang Arab country na magkapagpadala ng unang unmanned probe na mag-o-orbit sa Mars sa taong 2021 at kanilang tatawaging ‘Hope.

TAGS: Astronauts, International Space Station, Radyo Inquirer, UAE, Astronauts, International Space Station, Radyo Inquirer, UAE

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.