Bigtime oil price hike kasado na ngayong araw
Muli na namang magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw ng Martes, September 4.
Madadagdagan ng P1.20 ang bawat litro ng diesel. Habang parehong 95 sentimo ang imamahal ng kada litro ng gasolina at kerosene o gaas.
Kabilang sa mga nag-anunsyo na ng panibagong oil price hike ang mga kumpanyang Caltex, Eastern Petroleum, Flying V, Jetti, Petro Gazz, Petron, Phoenix Petroleum, PTT, SeaOil, Shell, at Total.
Epektibo ang panibagong paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo mamayang alas-6 ng umaga.
Ang naturang pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo ay dahil sa pagtaas din ng halaga ng krudo sa pandaigdigang merkado, maging ang pagpapataw ng Estados Unidos ng sanctions laban sa Iran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.