Cua: Train 2 hindi magreresulta sa kawalan ng trabaho
Pinawi ni House Committee on Ways and Means Chairman Dakila Cua na magkakaroon ng malawakang tanggalan sa trabaho sa ilalim ng Train 2 o Trabaho Bill.
Ayon kay Cua, pinag-aralan nilang mabuti ang Trabaho Bill kaya hindi totoo ang sinasabi ng mga kritiko na may masamang dulot ito.
Sa ilalim ng panukala, wala anyang panibagong buwis na ipapataw sa trabaho Bill bagkus bababa pa lamang ang corporate income tax (CIT) sa hanggang 20% mula sa kasalukuyang 30%.
Gagawin din anyang competitive ang CIT ng bansa para lalong makahikayat ng mga dayuhang mamumuhunan.
Nilinaw din nito na nakipagdayalogo na sila sa mga stakeholders partikular ang mga export economic zone at wala naman silang pagtutol sa nasabing panukala.
Gayunman, aminado ang mambabatas na may mga umaangal mula sa PEZA sa ilang probisyon ng panukala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.