2 na ang patay sa panibagong pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat
Umakyat na sa dalawa ang bilang ng nasawi sa ikalawang pagsabog na naganap sa bayan ng Isulan sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Ayon kay PNP spokesperson Senior Superintendent Benigno Durana, isa sa mga naitalang sugatan ay pumanaw habang ginagamot sa ospital ngayong Lunes ng umaga.
Sinabi ni Durana na base sa inisyal na imbestigasyon, itinanim ang Improvised Explosive Device (IED) sa isang internet café.
Halata aniyang target ang lugar na maraming taong nagtitipun-tipon dahil ang unang pagsabog ay naganap noong Martes sa lugar na bentahan ng ukay-ukay.
Hindi aniya gaanong magkalayo ang lugar na pinangyarihan ng dalawang pagsabog.
Ani Durana, base sa impormasyon na nakuha nila mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang dalawang pagsabog ay kagagawan ng lokal na terorista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.