Pang. duterte humingi na ng sorry kay dating US Pres. Barack Obama dahil sa pagmumura

By Chona Yu September 03, 2018 - 10:28 AM

I am sorry.

Ito ang naging mapagkumbabang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating US President Barack Obama dahil sa ginawang pagmumura sa dating lider bunsod ng pangunguna umano nito sa human rights violations sa bansa dulot ng anti-drug war campaign.

Sa talumpati ng pangulo sa harap ng Filipino community sa Israel, sinabi nito na ang nangyari sa kanila ni Obama ay palitan lamang ng salita o batikusan lamang at kapwa naman nila natutunan ang leksyon.

Sinabi pa ng pangulo na ngayong isa nang ordinaryong sibilyan si Obama ay humihingi siya ng paumanhin sa mga nabitawang pananalita.

“Mabuti pa si Trump he said it during the Philippine visit. So Trump is a good friend of mine. Obama, well of course…Well then it would be appropriate also to say at this time to Mr. Obama that you are now a civilian and I am sorry for uttering those words,” ayon sa pangulo.

Umaasa ang pangulo na mapaptawad siya ni Obama dahil sa kanyang mga naging pagmumura.

Sinabi pa ng pangulo na napatawad na rin niya si Obama dahil sa mga naging pambabatikos nito sa kanyang anti-drug war campaign.

TAGS: Barack Obama, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, Barack Obama, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.