Seguridad sa Sultan Kudarat pinahihigpitan na ni Pang. Duterte matapos ang magkasunod na pagsabog
Mariing kinondena ng Malakanyang ang panibagong insidente ng pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat kung saan isa na ang naiulat na nasawi habang 15 iba pa ang nasugatan.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, batid na ng pangulo ang insidente kahit nasa official visit sa Israel.
Ayon kay Roque, inatasan na ng pangulo ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na higpitan ang seguridad sa lugar.
Nais ng pangulo na dagdagan ang police visibility at patrol operations sa Sultan Kudarat.
“The President has been kept updated on all developments by the Philippine National Police (PNP), which has already ordered its men on the ground to increase visibility and patrol and tighten security,” ayon kay Roque.
Kasabay nito nagpahayag din ng pakikidalamhati ang Malakanyang sa mga nasugatan at nasawi kaugnay ng trahedya na kung saan, naganap ang pagsabog sa isang internet cafe sa Isulan.
Hinihingingi rin ng palasyo ang kooperasyon ng mga residente upang sa lalong madaling panahon ay matunton ang may kagagawan ng pagpapasabog at mabigyan ng hustisya ang mga biktima.
“We strongly denounce the latest attack in Isulan, Sultan Kudarat. We are deeply saddened by the death of one innocent victim, per initial report, and pray for the swift recovery of those injured. We ask the residents to report anything suspicious to the authorities as we bring to justice all culprits behind this dastardly attack,” dagdag pa ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.