Pangulong Duterte lumapag na sa Israel

By Justinne Punsalang September 03, 2018 - 02:08 AM

Presidential photos

Dumating na sa Israel ang Presidential plane lulan si Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang delegasyon para sa kanyang state visit sa naturang bansa.

Sinalubong ni Philippine Ambassador to Israel Nathaniel Imperial at iba pang mga opisyal ng Israeli government ang pangulo sa Ben Gurion International Airport sa Tel Aviv.

Ala-1:32 ng madaling araw, oras sa Pilipinas, nang dumating ang pangulo sa naturang bansa. Kasama ni Pangulong Duterte ang ilang mga opisyal ng pamahalaan at mga magreretiro nang police at military generals.

Samantala, nakaabang na sa Ramada Hotel ang mga Pilipinong sasalubong sa pangulo. Nakatakda kasing makipagkita si Pangulong Duterte sa 1,400 miyembro ng Filipino community doon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.