Pangulong Duterte sa mga rice hoarder: Huwag niyo akong subukan
Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rice hoarder sa bansa na huwag subukang gamitin ang kanyang kapangyarihan para lamang matiyak na sapat ang suplay ng bigas sa merkado.
Sa departure speech ng pangulo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 bago tumulak patungong Israel at Jordan, sinabi nito na kapag napatunayan na mayroong artificial rice shortage o kalokohan sa merkado, hindi siya mag-aatubiling gamitin ang puwersa ng mga pulis at militar.
Ayon sa pangulo, aatasan niya ang mga pulis at militar na buksan o ipa-raid ang mga bodega.
Pumapalo na ngayon sa P70 ang presyo ng bigas kada kilo sa iba’t ibang mga pamilihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.