Dating Sen. Ernesto “Boy” Herrera namatay na sa edad na 73
Sumakabilang-buhay na sa edad na 73 si dating Senador at pangulo ng Trade Union Congress of the Philippine na si Ernersto “Boy” Herrera.
Kinumpirma ng TUCP ang nasabing ulat sa kanilang twitter account.
Namatay si Herrera sa Makati Medical Center makaraan siyang atakehin sa puso.
Bago nahalal na pangulo ng TUCP kamakailan, matagal na siyang kasapi sa nasabing pinanaka-malaking labor organization ng bansa kung saan ay tumayo siyang Secetary-General ng grupo noong dekada 70.
Si Herrera ay naging bahagi rin ng Agrava Commission na nag-imbestiga sa pagpatay kay dating Sen. Benigno Aquino Jr.
Nang maupo sa puwesto si dating Pangulo Cory Aquino pagkatapos ng EDSA Revolution ay kabilang si Herrera sa mga senatorial candidate ng administrasyon.
Siya ay naglingkod sa Senado mula 1987 hanggang 1998.
Mula noong 1998 hanggang 2001 ay naging kinatawan siya ng lalawigan ng Bohol sa kongreso.
Noong mga panahong iyun ay naging aktibo rin siya sa Citizen Drug Watch.
Kamakailan lang ay nagkaroon ng leadership vacuum sa pamunuan ng TUCP at sa bisa ng kautusan ng Mataas na Hukuman si Herrera ang hinirang na pangulo ng naturang labor organization.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.