VP Robredo hiniling kay Pangulong Duterte na huwag i-glorify ang isang diktador
Nais ni Vice President Leni Robredo na itigil na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-glorify sa diktador.
Ito ang naging pahayag ng bise presidente makaraang muling patutsadahan ng pangulo at sinabing mas kailangan ng Pilipinas ang isang diktador kagaya ni daitng Pangulong Ferdinand Marcos kaysa kay Robredo.
Ayon kay Robredo, dapat ay pag-isahin na lamang ng pangulo ang buong Pilipinas at tiyakin ang mga Pilipino, lalo na ang mga nasa laylayan o ang mga mahihirap na naririnig ng pangulo ang kanilang mga hinaing at gagawan nito ng solusyon ang kanilang mga paghihirap.
Aniya, mas makabubuting ito ang gawing prayoridad ng pangulo kaysa i-glorify ang diktador na nagnakaw ng bilyun-bilyon mula sa bansa at pumatay at nagpakulong sa libu-libong Pilipino
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.