Pasig river, kalahok sa Asia riverprize

By Ricky Brozas September 02, 2018 - 02:30 PM

Ikinagalak ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ang pagkakapili sa Ilog Pasig bilang finalist sa kauna-unahang Asia Riverprize ng prestihiyosong International River Foundation (IRF).

Ayon kay PRRC Executive Director Jose Antonio “Pepeton” E. Goitia, ito na ang ikalawang pagkakataon na napabilang ang ilog Pasig sa isang pandaigdigang pagkilala.

Noong 2017, ang Pasig River ay itinanghal bilang runner-up ng nanalong San Antonio River ng Texas sa USA sa Thiess International Riverprize competition.

Ang magkakasunod na pagkakapili ng Pasig River bilang finalist sa 2017 at 2018 Thiess International and Asia Riverprize ay testamento ayon kay Gotia, ng pagkilala ng mundo sa pagsisikap ng gobyerno ng Pilipinas na maibalik ang likas na taglay ng Ilog Pasig. Nangyari ang naturang mga pagkilala simula nang maitatag ang PRRC noong 1999.

Ang IRF ay nagkakaloob ng pagkilala at pabuya sa mga organisasyon na nagsisikap para isakatuparan ang mga hakbang sa “effective river basin restoration and management programs”.

Ang kumpetisyon ay tinawag na Asia-Pacific Riverprize Awards kung saan may mga kalahok mula sa mga bansang New Zealand, Australia, at 45 iba pang mga nasyon.

At dahil sa dami ng bilang ng entries na kanilang natanggap ay hinati sa dalawang kategorya ang Asia-Pacific Riverprize ay ito ay tinawag na Asia Riverprize at Australasia Riverprize.

Matapos naman ang serye ng mga deliberasyon ay inanunsiyo ng IRF ang mga organisasyon na napasama sa Asia Riverprize finalists, ito ay ang Pasig River mula sa Pilipinas at ang Yangtze River ng China.

Idinagdag pa ni Gotia na noong 2017 ay tanging ang Pilipinas lamang ang napasama sa patimpalak na nagmula sa Third world at developing country at nakapasok sa finals na matapang na nagkopensiya sa US at United Kingdom.

Umaasa si Gotia na kayang maungusan ng Pilipinas ang red dragon ng China para sa Asia Riverprize ngayong taon.

TAGS: Ilog pasig, prrc, Ilog pasig, prrc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.