Higit 100 pamilya, nawalan ng tirahan sa Pagadian
Sa kabila ng naranasang malakas na buhos ng ulan, tinupok ang apoy ang mahigit 50 kabahayan sa Pagadian City, Sabado ng hapon.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ni City Fire Marshall Herman Ting na nagmula ang sunog sa bahay ng isang Flordelyn Emperial na nirerentahan ni Ella Kabuntalan.
Naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil gawa sa light meterials ang mga ito.
Ayon kay Relief team in-charge Robino Avila, aabot sa 108 pamilya ang nawalan ng tirahan dahil sa sunog.
Sa ngayon, nananatili ang ibang pamilya sa inihandang evacuation center habang ang iba naman ay namalagi sa kanilang mga kaanak sa ibang barangay.
Kwento naman ng biktimang si Zenaida Lim, agad niyang dinala ang dalawang apo na sina Breyshell, 1 taong gulang, at Bryan, 3 tatlong gulang, matapos marinig ang sigaw ng kapitbahay na “sunog!.”
Ngunit dahil naipit sa gitna ng nasusunog na bahay, tumalon siya sa katabing ilog ng kanilang bahay.
Nailigtas naman sila ng barangay rescuers sa naturang ilog.
Ayon kay Andrew Jade Mantos ng City Health office, nakausap na nila ang mga biktima ng sunog.
Ang iba aniya sa mga biktima ay nagkaroon ng lagnat at flu.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.